Tuesday, 17 August 2010

ganun eh.

KUMALMA KA NGA!
kumalma ka.
deep breaths.
mahirap talaga magkaron ng lablayp sa trabaho.

tsaka ganun eh,
nagmahal ka.
itinaya mong may potential kang masaktan.

Sunday, 15 August 2010

dear master,

try ko lang magsulat ng marami at ng bongga sa isang gabing puyat at tinamaan ng halo halong vodka, lambrini at bacardi breezer.

namomoblema na naman ako.namomroblema na naman ako dahil sa maling pagpili ng mamahalin. ilang beses na akong nagkamali dahil sa iba't ibang dahilan. siguro lahat ng yon ay nag-uugat sa pagkakaroon ng hindi matapos na takot na magmahal at masaktan. nang yumakap at iwanan.

enter: master.
palage ka nalang online. pero ndi kita kinakausap. sabe mo nga.. 'maghingahan nalang muna tayo' isang taon mahigit na rin yata ang nakalipas simula nang makapagkwentuhan tayo. ikaw ang nagturo saken na bawat ng tao ay may iba ibang version depende sa mga taong kahalubilo nila. hindi ko alam kung anu eksakto ang version ko nung tayo ang magkasama, bukod sa magkasama tayong nagalmusal at tumambay sa erpats mong kay tagal mo nang hindi nakita.

naaalala ko kung pano mo langhapin ang mahaba kong buhok nun. kung pano mo ako pinatawa. kung pano mo ako niyakap. ay higit sa lahat, kung pano mo ako nirespeto.

ngaun ikaw, higit sa lahat ng taong nakakilala sakin.. ikaw pa ang palage kong takbuhan. mapa-pilipinas o mapa-uae, handa kang makinig at magtsaga sa out of this world kong mga kwento.
salamat ha, kase sa mga panahong naghahanap ako ng sarili ko, andun ka para ipaalala sakin kung sino talaga ako..masaya ako. masaya akong masaya ka, hindi man ako ang kasama mo ngaun, nararamdaman ko pa rin naman na kaya mong patunayan ang sinabi mong kahit kailan ay nandyan ka pa rin palage sa tabi ko.

(buburahin ko ba tong vodka-driven na post na ito?)

master!!
ano ba naman ang gagawin ko kung wala ka?
salamat sa ilang oras na usapan sa gagawin ko sa nakakawindang kong sitwasyon.
mabuti na lamang at may YM.
mabuti na lamang at nanjan ka palage.
mabuti na lamang.

isang araw babati ako sayo sa ym at sasabihin kong napulot ko nang muli ang sarili ko.
na handa na akong magmahal ulit.
na nakita ko na ang pinakahahanap kong mamahalin at magmamahal sakin.

sana hindi na magtatagal yun, master.

sana.

nakakainis ka na talaga.
promil kid, bestfriend, or whatever it is that i am used to call you in this blog, nakakainis ka.
imaginin mo kahapon lang masayang masaya akong kasama ka, only to find out at the end of a happily hyper shift.. na buo na ang loob mo sa pinakamamahal mo sa pinas?
at kelan mo naman balak tong sabihin sakin?
at kelangan sa mga housemates ko pa sabihin tong mga to? eh alam mo namang makakarating rin to saken at some point.
callous mo pa rin!! sobrang pinapatunayan mo ang dati mo nang pinakita saken.
pero no matter how callous, or no matter how much you make me feel that we have no 'happy ending' on this page, i still feel for you.
i feel for you in an absolutely annoying way. nakakainis. kase hindi kita matiis. pero clearly kayang kaya mo naman rin akong deadmahin, so wth?
bat hindi nalang kaya tayo magusap at tuldukan yung kung anu mang nagtranspire sa atin para hindi na ako umasang may patutunguhan pa tayo.
i was so wrong to think that we had somewhere to go to in the first place.
or i was so wrong to ask you prematurely what we were. sana hinintay ko pang magblossom.sana mas inalagaan ko pa.





sana masaya pa rin ako ngaun.

Sunday, 8 August 2010

monologue mode: ON (unabridged version)

teka nga! magreview tayo. pano ka nga ba naging ganyan?
masyado ka ba nasaktan?
anong mga pangyayari ang bumuo sa katauhan mo ngayon?
anong nagawa ng mga lumipas mong relasyon para sa'yo?
sa tingin mo ba nakabuti yong mga yon para sa'yo?

. . .

ang natatandaan ko nalang kung pano ako nung nasa kolehiyo ako.. natatandaan ko kung pano ako asarin ng mga kaklase ko dahil sa lambing kong magsalita. at sa sobrang iyakin ko sa mga bagay bagay. hindi ko alam kung pano ko napapagsabay ang pagiging depressed ko at pagpasa sa mga exams noon! MULTITASKER na talaga ako nuon palang. ahaha!
ok then: ang boypren ko nuon, CANNOT BE na, to start with. pinilit. hindi praktikal. nagfeeling you & me against d world kami. in the end, he chose a relationship a lot less complicated than ours. and that did not include me. so, there, babay college boypren.

after graduation, there was this guy na dinrowing ko ng apat na taon sa mga panaginip ko. pag sinuswerte nga naman, kung kelan hindi ko na siya makakasalubong araw-araw, nun pa ako niligawan! it was a fun 5 months of courtship with him. i really felt his efforts cavite->bulacan and back?? so sweet of him. i liked him kasi he got into the deepest part of me. he got to discover my mind, it was everyday correspondence via friendster ala you've got mail. pero something went wrong again. and when i was ready to admit that the love he feels for me was mutual--he backed out. purely BS noh? pero there--post graduate boylet down.

then i got myself a job. back in manila. back with the manila boys.
palabas-labas. patambay-tambay. i started to learn how to drink. i lost my allergy to alcohol. then slowly, seniors from work started to make pa-cute saken.

i felt him, this guy. (senior 1 a.k.a torpe senior) what he does to me. always, never fail to ask me out on a group date. looks after me at work and gimmicks--always. and even if we didn't have a relationship or whatever, was ALWAYS and i mean ALWAYS there for me when i need someone to cry on. he knew i liked someone else [insert: mokong] because i was too callous to tell it to him even if he's acting more than just a friend.
and i quote
'wag mo kasing isara ang puso mo sa maling tao.
prang ngaun, gusto kong sabihin na mahal na mahal kita,
pero dahil alam kong mahal na mahal mo si pare namin,
hindi ko magawa.'
so there, torpe senior.. babay.. sana dinerecho mo kasi ako.

and then came Mokong (a.k.a Yummy Senior). he's a guy i decided to go into a relationship with simply because i didn't believe in relationships anymore. i didn't want to be cheated on. our relationship was twisted, to start with, but i did not care. alam kong notorious babaero cya ng trabaho namen, but the hell i care? he treated me like a real girl. a real girlfriend. i felt loved. well, at least during weekdays.. ugh, now you get the picture? no formal ending--but its ended, trust me. babay, mokong.

then came payat. i knew i loved mokong a lot more than i loved him. but i thought this relationship with him was for real--finally i believed in love again. but he broke me. i bit the dust again. as much as i thought this was the perfect love story--it ended as the perfect storm. worst, dirtiest break-up ever. did not only ruin ourselves, but the friendship carefully built through the years in our workplace. bye, payat.

now, i've fallen in love with my best friend. my best friend who is not available. my best friend who constantly bugs me but i think it's cute. sometimes i still feel that he likes some other girls for that matter. but, i am so happy whenever i am with him. oh well, i WAS so happy when i am with him. but i was so stupid, i asked for a definition--that made everything a whole lot complicated. so all the happy moments--now in the past. i don't know if i could still go back. if i should still go back or not? i'm hoping this is not goodbye, bestfriend.

. . .

baket nga ba pinapakita mong sobrang tigas mo ngayon?
natatakot kang masaktan? sinong pinaka nakasakit sa'yo?
kaya mo ba syang patawarin? para naman mapalaya mo na yung sarili mo..
etong labstori nyo ng bestfrend mo, kaya mo pa bang buhayin?
handa ka na bang magmahal ulit?

Thursday, 5 August 2010

ganito pala.

hindi ko alam kung paano magsisimula.
nung sabado ang dami kong natutunan sa mga ibang lahing nakasalamuha ko.

nung nakasama ko sila, naisip kong--masaya palang maging simple. hindi komplikado.

naisip ko rin na siguro hindi lang rock concert ang dahilan ni Lord kung bakit nya ako dinala dun..siguro ginusto nya ring sumalamin ako sa ibang tao at makita ang sarili ko para malaman ko kung ano ba ako tlaga at kung ang makikita ko ba ay magugustuhan ko o hindi.

sa sobrang nakakapagod na rock weekend na yon, nakita ko ang sarili ko bilang isang:

*SYOTA-hindi pala maganda yung nilalait mo yung jowa mo sa harap ng maraming tao. seryoso man o hindi. tama naman pala ang Ex ko, dapat 'kampi tayo' ang style. OO ALAM KO IT'S TOO LATE FOR ME TO REALIZE THIS dahil nakailang relasyon na rin naman ako. maybe that's the reason why i keep failing. kasi i'm a bitchy syota. pero this time, maybe this next time i can get this right. so there, i'm a bad syota. I WAS a bad syota. time to grow up.

*KAIBIGAN-alam kong selosa akong frend. gusto ko kasi ako yung baby. so pag may iba na silang pinaglalaanan ng attention bukod saken, nalulungkot ako. minsan awkward rin ang kilos ko kasi masarap nga yung may nagaalaga sa'yo di ba. naeenjoy ko yun.. at pag yun biglang nawala--merong matinding withdrawal symptoms. na minsan people would think na i fancy the guy.. which is not the case most of the time. mabuti akong kaibigan. kahit bumabagyo pa, tatakbo ako para lang makasama ko ang mga Pare ko.. kahit magbayad ako ng kamahal sa taxi, o ilibre ko pa sila ng kape para lang magsumbong sila sakin ng problema nila ng gelpren nila--go ako!! yan ako bilang kaibigan.

*KAPATID-sa palagay ko naman hindi naman ako pabigat na kapatid. kung meron man ako sinusubukan ko namang magbigay at hindi lang sarili ko ang isipin. kaya ko ring magtiis kahit gano pa kasakit ang ngipin ko para lang sa kapatid ko. kasi alam ko masaya siya. sabi pa nga nila napaka strong at clever little girl ko raw.

kelangan kong gawin tong post na to para hindi ko makalimutan ang mga nakita at naramdaman ko nung mga araw na yun, higit sa mga mukang satanistang nakasalubong ko dun, nakita kong may natitira pa palang mabuting tao sa likod ng hinanakit na pumapalibot sa puso ko.

salamat dan. salamat sonisphere. salamat ate kulit.

Thursday, 17 June 2010

thursday afternoon

'coffee?..' a text message from u says.

you weren't far from me at that time; you were just actually beside me.

this was the first time we are gonna go out. just the two of us.
it was thursday afternoon, and it was sunny then.

you were wearing a faded pair of jeans, a brown shirt and your good ol' trainers.
you asked me to meet you at the parking lot, but u knew no intention of riding with you.

i walked.
and you drove right beside me.
a good 200, 300 meters of you asking me to stop walking and ride with you.
until you gave up. and you said we'll do it next time.
then i said yes. finally.

we were just down the road. had no intention of hiding from anybody who knows us.
'what are you having?'.. you asked.
'mocha frappe'.. i answered.
'just like me'..you answered back, with that teasing, sarcastic look on your face.

there we sat, at a round coffee table just beside the door.
i couldn't remember what time we came in..
but it was 1630--that you asked to take me home.

no, i said i can manage.
and so we left.

you took me to a cab and right before i left, you stood there.
with a good 5-6 seconds pause.
half thinking if you were gonna kiss me goodbye.
but i did not let you anyway.

the next thing i knew--you were asking me if i was happy we went out, or if i was happy because i went out with you.

that question needed no answer.

Tuesday, 15 June 2010

10 minutes sa mars

kung merong isang bagay tungkol sa yo na hindi ko makakalimutan sa panahong magkasama tayo..
iyon ay iyong mga mata mo..

mga matang kumikislap, tila nangungusap..
mga matang hindi marunong magtago ng emosyong nakapaloob sa iyong katauhan.
tanging mga mata mo lamang ang una kong nasisilayan pag tayo'y magkikita.

'baba ka na, 10 minutes andyan nako'
yan ang template naten twing dadaanan mo ako sa condo.
hindi yan nababago.
umaga, tanghali, gabi..umulan man o umaraw..
sigurado ako dyan!!

ako naman masunurin..bababa nako agad..
dala ang pusong puno ng pananabik na ika'y mayakap, mahawakan o masilayan man lamang kahit saglit.

sampung minuto ang lakad at paghihintay sa elevator pababa ng condo..
nasa harap na ako..
nawawala ka na naman..

tagal mo!!
natrafik kna naman ba?
wala kna naman bang maparkingan?
sa wakas.. makikita na kita tumatawid mula sa kabilang kalsada..

'10 minutes sa mars na naman!!', bati ko sa yo..

pupungayan mo lamang ako ng yong mga mata..
sabay halik sa aking mga labi.
mabilis, magaan, parang nakasanayan na lamang.
tila isang halik na kaya nateng ulit ulitin sa bawat araw ng ating mga buhay.
isang halik na kaya kong ipagpalit ang 10 minutes sa mars na aking ipinaghintay.